Ipinagpapasalamat Ang Lunes
Dati ‘di ko kinagigiliwan ang Lunes. Minsan pa nga, pagbaba mula sa tren papunta sa dati kong trabaho, uupo muna ako sa istasyon nang ilang minuto para ‘di agad ako makarating sa opisina. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa pag-aalalang baka hindi ko matapos ang mga kailangang gawin sa takdang araw at sa pabago-bagong timpla ng ugali ng amo…
Pag-asa Mula Sa Gehenna
Noong 1979 may nahukay ang arkeologong si Gabriel Barkay– dalawang maliit na pilak na balumbon. Taon ang binilang para dahan-dahang buksan ang mga balumbong gawa sa metal. Doon nakita nilang nakaukit ang salitang Hebreo ng pagpapala ng Mga Bilang 6:24-26, “Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawa at subaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng…
Tinatakbo Ang Karera
Maiksi lang ang taon ng paglalaro ng mga propesyunal na manlalaro ng football sa NFL (National Football League). Karaniwan 3.3 taon lang, ayon sa statista.com. Pero dalawangpu’t dalawang taon nang naglalaro sa NFL noong 2021 ang apatnapu’t dalawang taong gulang na quarterback na si Tom Brady. Paano? Baka dahil sa mahigpit niyang disiplina sa pagkain at ehersisyo.
Dahil sa pitong singsing na tanda…
Tinutubos Ng Dios Ang Pasakit
Naibenta na ni Olive ang mga bagong gamit niyang pang-dentista at pinapanood niya ang kaibigan habang nilalagay na ang mga pinamili sa kotse nito. Pangarap ni Olive magkaroon ng sarili niyang klinik pero nang ipanganak niya ang anak na may cerebral palsy, alam niyang kailangang tumigil sa pagtatrabaho at alagaan ang anak. “Kung may isang milyong buhay ako, iyon pa…
Naririnig Si Cristo
Makatapos ang ilang oras na panonood ng balita sa telebisyon bawat araw, mas naging aburido at nerbiyoso ang matandang lalaki dahil sa pag-aalalang lalonggumugulo ang mundo at damay siya dito. “Pakipatay na ang telebisyon,” pagmamakaawa ng anak na babae. “Tigilan mo na po ang pakikinig.” Pero nagpatuloy pa ring maglaan ang matanda ng maraming oras sa social media at ibang nagbabalita.…